PDA

View Full Version : Filipino Romance Novel <FRN>


itsuserangfrog
07-06-2010, 02:57 PM
[Only Registered Users Can See Links] ([Only Registered Users Can See Links])

Title: MY LOVE by Honeybunch

Playboy ang unang naging impresyon ni Claire kay Jake, kapatid ito ng kanyang bestfriend na si Cheryll. Nakaragdag pa ang masamang tingin niya sa binata, dahil sa mga kwento ng kanyang kaibigan.

“Halata talagang playboy, hmp! Nunca akong papatol sa tulad niya.Mark my word, hinding-hindi kita magugustuhan.” sambit niya dito.

Kakainin kaya ni Claire ang binitiwang pangako, na nunca siyang magkakagusto sa taong tulad ni Jake, o sa binatang ito siya mismo i-ibig?

At si Jake, kailan kaya titino ang makulit nitong puso. Na kung makapagpalit ng nobya ay para lang nagpapalit ng bihisan. Makita kaya niya sa katauhan ni Claire ang tunay at tapat na pag - ibig na laan para sa kanya?

[Only Registered Users Can See Links] ([Only Registered Users Can See Links])

Title: BLESILDA THE PLAYGIRL by Lady Morgana

Sa buhay na ginagalawan ni Blesilda ay natuto siyang makisalamuha sa iba’t-ibang klase ng tao. At dahil likas siyang maganda at matalino ay nagamit niya iyon para pukawin ang atensiyon ng mga lalaki. Kaya naman binansagan siyang “playgirl” ng mga taong nakapaligid sa kanya. Hanggang makilala niya ang dalawang lalaking unti-unting pumukaw sa kanyang puso at pagkatao. Matutunan kaya niyang palayain ang sarili at magtiwala sa mga lalaki?

[Only Registered Users Can See Links] ([Only Registered Users Can See Links])

Title: TWINS CLUB: GABRIEL AGUILAR by Budjoy

Hindi matanggap ni Gabriel na ang babaeng iniligtas niya ay isang demonyita. Kahit saan yata siya magpunta ay naroroon ito. Binantaan pa siya na kung hindi raw siya makukuha sa santong dasalan ay dadaanin siya nito sa santong paspasan.

Kaya ang dating tahimik na mundo ni Gabriel ay nagulo. Pano lahat ng gawin ng dalaga sa kanya ay puro sakit sa ulo. Kundangan ba namang pati kapalaran ay nakikiayon sa bawat plano nito. Tuloy wala siyang magawa kung hindi iwasan na lamang ang mapanuksong pag-ibig ni BiancaMontero.

Si Bianca Montero, ang babaeng sira ang tuktok. Kahit yata kaluluwa ay ibebenta makuha lamang ang ninanais na paibigin si Gabriel Aguilar.

At ngayon namang iniibig na siya ng binata ay nalaman naman niyang isang kahangalan lamang ang lahat. Huli na ba ang lahat para sa kanilang dalawa. Sundan ang kapana-panabik na tagpo nina Gabriel at Bianca sa Twins Club.

[Only Registered Users Can See Links] ([Only Registered Users Can See Links])

Title: DONT WANNA FALL IN LOVE by Resha

Nerd.Geek.Ugly. Iyan ang mga deskripsyong gustong marinig ni Lauren sa mga taong nakapaligid sa kanya. Kahit ilang beses nang ipamulat sa kanya ng mga kaibigan niya na kahit kailan hindi siya magiging ganoon dahil ang tamang description sa kanya ay ‘Beauty with Brains’.

Ang tanging gusto lang naman kasi ni Lauren ay layuan siya ng lalaki kaya parati siyang nagsusuot ng nerdy glasses at preppy clothes. Manhater siya but not totally sa ibang tao lang maliban sa mga kaibigan at kapamilya niya. Iyon ang tanging dahilan kung bakit siya ganoon.

Ngunit sa isang High School Reunion, pinakiusapan siya ni Mark na magpanggap na girlfriend nito. Pumayag siya kahit alam naman niya ang atraso ng lalaking ito noong high school students pa lang sila. Ito ang dahilan kung bakit siya lalong nagmatigas sa mga lalaking pumapaligid sa kanya.

“Please pumayag ka na Lauren. Ikaw na lang ang tanging pag-asa ko.” pakiusap nito sa kanya.

“Well, wag ka nang mag-drama diyan. Pasalamat ka na lang at bored ako ngayon kaya pumapayag ako.”

“Thank you. Mamaya pag-usapan na lang natin yung bayad.”

“Let’s just make this thing between us wonderful.” It’s payback time.

itsuserangfrog
07-06-2010, 02:58 PM
[Only Registered Users Can See Links] ([Only Registered Users Can See Links])

Title: PAPER CUT by Neo Garde

Ang una mo'ng pag-big, natatandaan mo pa ba?

E' ang una mo'ng karanasan na hindi mo malilimutan?

Kailan ka huling umiyak?

Kung gusto mong magbalik sa dati mong pinuntahan at gusto mong damhin ang mga bagay na habang ngayon ay hawak mo pa...

Samahan mo si Niro, ang inyong tipikal na highschool student sa kanyang pakikipagsapalaran tungkol sa tunay na kahulugan nang buhay.

Tumawa, umiyak at tuklasin ang isang bagay na lahat ay tayo ay dadaan at dumaan.

Sama ka, balik tayo?

[Only Registered Users Can See Links] ([Only Registered Users Can See Links])

Title: UNEXPECTED LOVE by Hanz Briones

Humingi ng pabor si Audrey sa kanyang matalik na kaibigan na si Janna na sunduin ang isang tao sa airport.
Dahil biglaan ang pagtawag na yun ay hindi na nalaman pa ni Janna ang mga detalye tungkol sa taong susunduin n'ya.

Si Janna ay isang working girl na sobrang busy at wala ng masyadong panahon para sa kanyang sarili. Isa siguro yung malas na araw para sa kanya, dahil dun sa airport ay hindi sinasadyang napasok n'ya ang maling C.R.

At isang lalake ang pumasok din doon at nabuksan nito ang pinto kung saan ay kasalukuyang nasa loob si Janna.

Nag-away sila na parang aso't pusa. Does this "unexpected" meeting lead them to a feeling or "love" they must not feel?

What will they choose between love and friendship?

[Only Registered Users Can See Links] ([Only Registered Users Can See Links])

Title: STRANDED HEARTS by Roje

Bumagsak ang eroplanong sinasakyan ni Yvette papuntang Canada sa gitna ng karagatan. Fortunately, nakaligtas siya at napadpad sa isang di-kilalang isla kasama ang limang lalaki. Napagtanto niyang ang mga ito ay ang limang male actors na kinahuhumalingan niya. Sinuwerte ba si Yvette o minalas? Sa ilang araw nilang pagiging stranded sa islang iyon, may ma-inlove kaya sa kanya?

[Only Registered Users Can See Links] ([Only Registered Users Can See Links])

Title: OCEANS APART by Princess Assucion

Itinalaga si Ville na maging personal bodyguardng anak ni Don David Morano. Lingid sa kaalaman ng anak nitong s Francisco Rielle Morano ay isa siyang babae, tanging ang ama lang nito ang nakakaalam sa tunay niyang identity at pangalan- it was Veronica.

Nang una niyang makita si Francis ay labis ang kaba na kanyang naramdaman. Kakaiba ang epekto nito sa kabuuan niya. Kung hindi siya maiinitan ay lalamigin siya...
In the other hand isa itong struggling archeologist na nais alamin ang lahat ng bagay sa mundo,nasa bloodline na siguro nito ang mag-pakahenyo.

But his life seems too boring even if adventure were simultaneously coming, Naisip kasi niya na kung tatanda rin lang ito at mamamatay na mag-isa ay kawawa parin ito… so she decided to resign! And tell him that she was a girl who just simply falls in love for her-but it was too late.

[Only Registered Users Can See Links] ([Only Registered Users Can See Links])

Title: FALLIN' FOR YOU by Jaine Carwin

Elin doesn't put much interest in men who in her opinionated point of view ay mayabang, conceited and most of all playboy.

Para naman kay Kenneth - walang kadating-dating ang mga babaeng aggressive, eccentric at liberated sa kaniya.

To make matters worse, comes Janine - ang masugid nilang best friend. Inirereto sila nito sa isa't isa knowing too well they loathe each other's nature kahit hindi pa sila nagkakakilala.

Until it came to a time na kailangan nilang lunukin ang kanilang pride, pati na rin ang laway na nakabikig sa kanilang lalamunan when they were forced into each other's company because of a situation they both have to get out of.

They would save each other's hide, but can they save their hearts from falling in love?

[Only Registered Users Can See Links] ([Only Registered Users Can See Links])

Title: THE CHALLENGE OF MY LOVE by Yrish

Kahit hindi naging maganda ang unang pagkikita ni Jessica at Jerome ay nabighani parin sila sa angking kagandahan at kagwapuhan ng isa’t isa. Pero para kay Jerome there’s no such thing as love. Wala sa vocubalary niya ang long time commitment at magpakasal para lang masakal. Kaya kahit may nararamdaman siya para kay Jessica ay pilit niya itong pinaglalabanan. Kabaligtaran naman iyon kay Jessica dahil kahit naiinis siya noong una dito ng lumaon ay napalitan din iyon ng pagmamahal na malaya naman niyang tinggap kahit pa alam niyang malabo siyang mahalin ni Jerome. But she is determine to win Jerome’s love no matter what the cost. Andiyang ibigay niya ang sarali sa lalaking pinakamamahal para kahit sa isang gabi lang ay maramdaman niyang may gusto rin ito sa kanya at mapadama dito kung gaano niya ito kamahal. Saan kaya dadahilhin si Jessica ng kanyang pagmamahal para kay Jerome? Magtagumpay kaya siyang makuha ang puso nitong bato o luluha lang siya ng sobra-sobra?

jasmine20
08-06-2010, 02:05 AM
hmmm..mukhang in love ka lagi ah?

don_churva
08-07-2010, 03:51 AM
its nice to read... and smile in you face =))

payaso
08-18-2010, 02:00 PM
huwaw nice collection stories of love.. :D